Tuesday, December 27, 2005

aminin mo na!

NUNG BATA KA:

*kumakain ka ba ng aratilis?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon atdi ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso,langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

*malupit ka pag meron kang atari, family computeror s-nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,right, left, right, a, b, a, b, start?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo siannie at type na type mo ang puting panty nya?*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka natalaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala momagkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...nung high school ka inaabangan mo lagi beverlyhills 90210?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahiligka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsitgirls? e si luning-ning at luging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?*idol mo si McGyver at nanonood kang perfectstrangers?

*eto malupet... six digits lang ba ang phonenumber nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam moang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at"alagang-alaga namin si puti"?

*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sya sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... atnag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba paang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak atyung diyes na square?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagattalaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...diba naninipit yun?

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng perayung batang umakyat ng puno para bumili ngpanty... and shempre, alam mo rin ba kung anobinigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pagpinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubblegum... tira-tira, at yung kending bilog nasinawsaw sa asukal?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nlamagugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA...WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MASMASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW?

**taken from an email sent to me by my best bud mitch monegas

No comments: