Sunday, August 08, 2004

kalakip ng awitin

kung mayroon lamang akong sanlibong buhay
hindi ipagkakait lahat sayoy ibibigay
gayunpaman saking nagiisang taglay
ilalaan bawat saglit upang ibigin ka ng walang humpay

gaya ng dagat na hindi napapagal sa pagalon
puso ko ay sayo magmamahal sa habang panahon
natatanging karangalan ko'y ikaw ay sambahin
wagas na pag sinata'y iyong dinggin
kalakip ng awitin

2 comments:

Anonymous said...

Para kanino kaya itong tula na ito...Hmmm

Anonymous said...

Hay!! salamat sa pag post ng kanta!! MARAMING MARAMING SALAMAT!!LOVEKO TONG SONG NA TO!!eh..