Sunday, November 07, 2004

nick

sa mga ayaw ng mush, hwag nang magbasa! if you do read on, dont say ididn't tell you so...
nalilito na ako kung ano ba talaga ang gagawin ko sa lalaking ito. para sa mga hindi nakakaalam si nick po ay kaibigan ng kuya ko na seaman din at kasalukuyang nanunuyo sa akin- in short manliligaw. in fairness gwapo naman ciya, mabait, masipag, at may magandang trabaho. ang problema kasi 32 years old na cia at ako ay 21. big deal ika mo. ang totoo kahit napapalagay na ang loob jo sa kanya, dalawang beses ko na ciyang binasted dahil nape-pressure ako sa mga naiisip ko na maaaring mangyari. may namention kasi siya sa akin na sakaling palarin daw siya sa akin, maghahanda na daw siyang pakasal. ????!!!! bata pa ako at alam kong marami pang pwedeng magyari sa buhay ko. Gusto ko muna makagraduate at maka hanap ng fulfilling na trabaho kagaya ng kalahati ng mundo. Gusto ko muna matupad ang mga pangarap ng mama ko para sa akin. Para sa mga nakakakilala sa akin, alam naman ninyo na hindi biro ang pinagdaanan ko sa buhay at alam kong magiging mahirap para sa kanya o sa kahit kaninong lalaki ang intindihin ang mga kaganapan na iyon. Sa kabilang banda, alam kong handa siyang antayin ako. Napakalaki ng pagtitiwala niya sa akin at kahit nga alam kong nasasaktan siya kapag hindi ko sinasagot ang mga text messages niya, tumatawag at nagtetext parin siya mula sa kabilang dulo ng mundo. nakapa-manhid ko naman yatang tao kung ni hindi ko man lang maaapreciate ang mga efforts niya. hindi ako humihingi ng advice. nagpo-post lang ako kasi magdadalawang buwan na akong hindi nagpost..............

No comments: